January 28, 2025

HIGIT 4K KATAO NA-STRANDED DAHIL KAY AURING

Iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa 4,246 pasahero, driver at cargo vessel ang na-stranded sa iaba’t ibang pier sa bansa dahil sa bagyong Auring.

Sa monitoring ng PCG hanggang alas-8:00 ngayong umaga ng Linggo, ang mga stranded na indibidwal ay sa mga pier sa Northern Mindanao, North Eastern Mindanao, Eastern Visayas, Western Visayas, Central Visayas at Bicol regions.

Karamihan sa mga nai-stranded na pasahero ay mula sa Eastern Visayas.

Liban dito, may 67 barko, isang motorbanca, at 1,602 rolling cargoes naman, ang hindi nakaalis sa mga pier.

Habang nasa 64 vessels at 40 motorbancas ang naka-dock sa mga pier bilang precautionary measure dahil sa banta ni “Auring.”

Kabilang sa mga pier na may stranded passengers ay ang Port of Liloan Ferry Terminal, Port of San Ricardo, Port of Sta Clara, Port of Balwarteco, at Port of Dapdap.