December 25, 2024

Higit 400 nasampulan sa unang araw curfew hour ng SPD

Umabot sa higit 400 indibidwal ang nasampulan sa unang sigwada ng pagpapatupad ng unified curfew hour sa Southern ng Metro Manila.

Pinangunahan ni SPD Director Police BGen Elesio Cruz ang isinagawang pag-inspection sa mga police station sa mga matataong lugar at mga establisyimento kung sumusunod sa health protocols at curfew hour base sa napagkasunduan ng Metro Manila Mayor’s sa buong NCR.

Nasa 71 augmentation mula sa Southern Police District personnel ang ideneploy sa Baclaran area kung saan may pinakamaraming kaso ng COVID-19 at ilang kalye dito ang isinara para sa paghihigpit upang hindi na kumalat ang nakakahawang virus.

Ayon kay Cruz tinitingnan nila kung nasunod ba ng mga establishment maging ang mga residenteng nakatira sa Barangay Baclaran na isa sa may mataas na kaso ng covid-19.

Ayon kay General Cruz exempted sa curfew hour ang pumapasok sa trabaho ng gabi mga frontliners.

Sa Pateros 14 ang nahuli na walang suot na facemask at faceshield, 13 naman ang lumabag sa curfew hour.

Sa Makati 147 ang nahuli

226 naman sa Parañaque partial pa lamang ito at hindi pa naisama ang ilang mga nahuli sa ibang lugar tulad ng Taguig, Muntinlupa, at Pasay. Ayon kay Cruz unang sigwada pa lamang ito sa pagpapatupad ng curfew hour at inaasahan nito na unti unting mababawasan ang mga pasaway na lumalabas ng kanilang bahay sa oras ng curfew hour sa susunod na mga araw.