Namigay ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng mga smart phones na magamit ng 3,057 na mga estudyante ng public elementary at high school para sa school year 2020-2021.
Ang mga beneficiaries ay kabilang sa mga ideniklara nung enrolment na walang sariling mga gadget na kanilang magamit para online classes.
“We set aside P4.5 million from our Special Education Fund and realigned P9.8 million of our budget for the programs of the Navotas City Council for the Protection of Children. This enabled us to purchase 2,682 smart phones for our students,” ani Mayor Toby Tiangco.
Samantala, nagbigay naman si Cong. John Rey Tiangco ng 350 cellphones para sa Tutor Learning Child (TLC) at Support Our Students (SOS) programs.
Ang TLC ay pinagsamang proyekto ni Cong. Tiangco at Department of Education-Navotas na inilaan upang tulungan ang mga nag-aaral ng K-12 na walang sinumang nagtuturo para gabayan sila sa modular lessons o walang gadget para sa mga nag-aaral sa bahay nila.
Habang ang SOS naman ay donasyon drive na suporta sa pangangailangan ng mga K-12 students, kabilang ang mga smart phones, tablets, internet load, school supplies, at iba pa.
Maliban sa mga smart phones mula sa pamahalaang lungsod at kay Cong. Tiangco, tumanggap din ang DepEd-Navotas ng 25 unit-donation mula sa isang private organization.
“Navotas has a meager budget compared with other cities in Metro Manila, but we do what we can to provide for the needs of our students and support their schooling,” sabi ni Mayor Tiangco.
Nauna rito, nagtatag si Mayor Tiangco ng online games sa kanyang social media fanpage para mabigyan ang mga Navoteñong estudyante ng opportunity na manalo ng gadget. 81 mga estudyante mula sa elementary hanggang college ang nakatanggap ng smart phones para sa kanilang online classes. (JUVY LUCERO)
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna