SINIMULAN ng Quezon City government, katuwang ang Department of Interior and Local Government QC (DILG QC), ang skills training nito sa Barangay Public Safety Officers (BPSO) o ‘mga tanod’ upang mapahusay ang kanilang kakayahan sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin lalo na sa gitna ng pandemya.
Ayon kay Barangay and Community Relations Department (BCRD) Head Ricky Corpuz, isinagawa ang Barangay Tanod Skills Enhancement Training sa pamamagitan ng isang blended approach kung saan pinagsama ang online at face to face training methods.
Saklaw ng training ang 2,426 regular na BPSOs sa siyudad at tatagal hanggang Oktubre 21.
Nauna nang isinagawa ang pilot session noong September 5 hanggang 7 at dinaluhan ng 20 opisyal mula sa barangays Bungad at Commonwealth.
“Oportunidad ito para i-reskill at upskill natin ang mga tanod lalo na’t maging sila ay nahaharap sa mga bagong hamon na dulot ng pandemya. Sa tulong ng training na ito mas lalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa kanilang tungkulin at sana mapabuti pa nila ang kanilang trabaho sa barangay” saad ni Corpuz.
Kabilang sa mga topic na pag-uusapan ay ang Barangay Peacekeeping, Responsibilities as First Responders, at Tanod Operations kabilang ang iba pa.
Pagkatapos ng training magsasagawa rin ang BCRD, at City Planning Department at DILG QC ng joint Barangay Development Planning Seminar para sa Barangay Development Council.
Samantala, nagpahayag naman ng suporta si Mayor Joy Belmonte para sa pagsasagawa ng training kung saan inilarawan niya ito na napapanahon at naaayon.
“Sinisiguro nating nabibigyan natin ng de-kalidad na serbisyo ang ating mga komunidad habang hindi naman nako-kompromiso ang kalusugan ng mga barangay personnel na nagsisilbing frontliners,” sambit ni Belmonte.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON