INAASAANG higit sa 2,000 na bisita ang dadalo sa darating na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 22.
Kaya naman puspusan ang paghahanda mula sa pagdating, pagbibigay ng ulat sa bayan, hanggang sa pag-alis ng Pangulo.
Nasa dalawampung milyong piso ang inilaan para sa mga gastusin sa darating na ikatlong SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gaganapin sa Batasang Pambansa Complex.
Kabilang sa budget ang pagkain ng mga bisita at tinatayang 3,000 staff, seguridad, imbitasyon, mga dekorasyon gaya ng bulaklak, at iba pang incidental expenses.
Dagdag pa ng Kamara, nakalatag na ang plano para sa seguridad sa loob at paligid ng Batasang Pambansa Complex.
“Ready na. 100%,” pahayag ni House of Representatives Secretary General Reginald Velasco.
Samantala, ikinakasa na rin ang Senado para sa gaganaping ikatlo at huling session ng 19th Congress, sa umaga bago ang SONA.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA