CLARK FREEPORT – Mahigit sa 200 trade exhibitors ang itinanghal ang kanilang top-notch products at equipment sa ginanap Philconstruct Luzon 2022 na inilunsad kamakailan lang sa SMX Convention Center Clark mula Hunyo 9 hanggang ngayong araw, Hunyo 11, 2022.
Ang nasabing ang aktibidad ay ang kauna-unahang hybrid edition ng pinakamalaki at pinakainaabangan na construction trade show series sa Pilipinas na may temang ““Present Ready: Leading the Way for Recovery & Growth”.
Bukod sa exhibitors at partners, imbitado rin ang mga developer, contractor, sub-contractor, supplier at maging ang mga manggagawa upang makapagtatag ng koneksyon sa industriya na posibleng humantong sa kolaborasyon at oportunidad para sa mga negosyo at consumer.
Ayon kay Philconstruct Chairman Ronaldo “Junn” Elepaño, mahigit sa 5,000 buyer at seller ang inaasahang lalahok sa physically at virtually sa hybrid event. Pinadali rin nito ang workshops, conferences at skill demo upang makapagbigay ng updates tungkol sa latest trends at developments sa construction industry.
Sa opisyal na pagsisimula ng programa, ipinakilala ni Philippine Constructor Association (PCA) Executive Director Engr. Ibarra Paulino ang presensiya ng mga guest at partner sa naturang event.
“We give our sincerest gratitude for your continuous support for the construction industry in the Philconstruct Luzon 2022 Hybrid Edition. We also would like to take this exciting opportunity to learn about the latest trends and developments in construction in the next three days. We are thankful for all your support as we grow in the industry together today and in the many years to come,” saad niya.
Pagkatapos ng ribbon cutting ceremony sa ground floor ay sinundan naman ito ng isang exhibit tour sa buong bisinidad ng SMX Convention Center Clark kung saan ipinakita ng mga nangunguna na local at international players ng construction industry tulad ng Boysen, Eqiuprime Optimum Solutions, Kurashiki, Landlite, Smarthouse, Zoomlion, Floorstone at marami pang iba ang kanilang iba’t ibang produkto at heavy equipment.
Ang nasabing ribbon-cutting ay pinuri ni Elepaño kasama sina PCA President Engr. Wilfredo Decena, Philconstruct Events, Exhibitions & Convention Corp. (PEECC) Chairman Engr. Emilio Tumbocon, Clark Development Corporation (CDC) Vice President for Engineering Services Group Dennis C. Legaspi, Department Trade of Industry (DTI-R3) Regional Director Leonila T. Baluyut, Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Road, Transport and Infrastructure Mark Steven Pastor at iba pa.
Sa afternoon session ng Day 1, kabilang si Legaspi sa mga nagrepresnta sa Infrastructure and Focus Group na ginanap sa meeting rooms sa Park Inn By Radisson Clark.
“First of all welcome to Clark and we’re very glad that Clark is the venue for Philconstruct’s first ever hybrid edition. Earlier I was thinking about the role of the construction industry in the development of the country. There is no development without construction – it’s that simple,” ani ni Legaspi.
Ibinihagi at tinalakay rin niya ang Clark Smart City Project na bubuo sa Freeport para maging smart city kung saan ang technology, connectivity at mobility ay uunlad sa mga darating na taon.
“We’re also an empire of builders because all over the world there are Filipino engineers, architects, designers down to those who are actually carrying the burden of building all the infrastructures. So whenever we go around the world, we see the handiwork of Filipinos who work from their knowledge of the construction industry,” dagdag niya.
Patuloy na nag-aambag ang Philconstruct sa paglago at development ng construction industry sa pamamagitan ng pagtitipon sa mga tao sa buong bansa sa loob ng 30 taon simula ng itaguyod ito noong 1990.
Noong 2019, isinagawa ang Philconstruct Luzon sa Clark kung saan naging host ito ng paglulunsad ng Philippine Construction Industry Roadmap para sa 2020 hanggang 2030 kasama ang DTI.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE