Nakapagtala ng 1,031 mga menor de edad na may commorbidity ang nabakunahan ngayong unang araw ng pilot implimentation ng pediatric group.
Ayon ito sa inilabas na datos ng Department of Health ngayong hapon mula sa National Vaccine Operation Center o NVOC.
Karamihan sa mga mabakunahan ay mula sa Philippine Heart Center, Makati Medical Center, St. Luke’s Medical Center – Global City, at Pasig City Children’s Hospital.
Tantya ng DOH, nasa halos 1.2 milyon ang menor de edad na may comorbidities mula edad 12 hanggang 17 sa bansa.
Sa ating pagbibigay proteksyon sa mga kabataang ito, atin ring mapoproteksyonan ang kanilang mga mahal sa buhay.
Sa ating mga magulang at mga kabataan, kayo ay aming hinihikayat na makilahok sa pagbabakunang ito. Katuwang ng ating mga eksperto, doktor, at mga pediatricians, makakaasa kayong patuloy naming babantayan ang pagbabakunang ito,” pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA