HIGIT 11,000 POGO workers ang nakatakdang ipa-deport ng Bureau of Immigration.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, sa 33,863 POGO employees sa ilalim ng PAGCOR, 24,779 lamang dito ang nag-downgrade ng kanilang mga visa. Nasa 22,609 naman ang umalis ng bansa bago matapos ang December 31 deadline.
Nagbabala rin si Sandoval laban sa mga kompanya na nagkakanlong ng foreign POGO workers at iginiit na maari silang kasuhan dahil sa pangangalaga sa illegal alien.
Dagdag pa nito, asahan na umano ang malawakang manhunt laban sa mga dayuhan na illegal na nanatili sa bansa na hindi lamang nahaharap sa deportation kundi maging sa pagiging blacklisted. ARSENIO TAN
More Stories
DSWD SASALAIN MABUTI ANG MGA BENEPISYARYO NG AKAP PARA HINDI MAPOLITIKA
CONTRIBUTION HIKE NG SSS, SIMULA NA NGAYONG 2025
TAAS-ALLOWANCE SA MGA ATLETA IHIHIRIT NG PSC