Inaasahan ang pagdating ng dagdag na dalawang milyong supply ng COVID-19 vaccine ngayong Abril sa bansa, na mula sa Sinovac at Gamaleya.
Ito ang inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa press briefing sa Malacañang kaugnay sa patuloy na pagsisikap ng gobyerno na maparami ang supply ng bakuna para sa mga Pilipino.
Ayon kay Galvez, hindi sila tumitigil sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang vaccine manufacturer para mapabilis ang pagdating ng supply ng mga bakuna sa bansa.
“Darating po ang Sinovac na 1.5 million at meron po tayong Gamaleya na 500,000 kaya more or less two million doses. Sa next week baka dumating na ang 500,000 ng Sinovac so titingnan natin yung Gamaleya, baka dumating na this coming April 12,” ani Galvez.
Sa buwan aniya ng Mayo aasahan din ang pagdating ng mahigit apat na milyong COVID vaccine mula sa tatlong manufacturers.
“Sa May deliveries po, magkakaroon tayo ng two million sa Sinovac, sa Gamaleya and then darating na po ang Moderna. So more or less mga 4,194,000 doses ang matatanggap natin,” dagdag ni Galvez.
Pagdating aniya ng Hunyo ay tataas na ang supply ng bakuna ng hanggang sampung milyong doses mula sa mga kinakausap na kumpanya ng bakuna gaya ng Sinovac, Gamaleta at Novovax, pati na ang AstraZeneca.
Mula Hulyo hanggang sa mga susunod na buwan ay aasahan aniyang tataas pa ang darating na supply ng bakuna sa bansa hanggang sa maabot ang target na mabakunahang mga Pilipino.
Sa ngayon, ani Galvez, ay nasa mahigit 800,000 na ang nabakunahan ng COVID vaccine at mahigit 700,000 sa mga ito ay medical health workers. “Sa ngayon mayroon na po tayo na-administer na more or less 854,063 totally vaccinated at sa ating health workers na na-vaccinate is more or less 789,415,” wika ni Galvez.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE