Walang na-admit na COVID-19 patient sa Philippine General Hospital (PGH) sa loob ng dalawang araw, ayon sa tagapagsalita ng ospital, habang patuloy sa pagbaba ang araw-araw na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Dr. Jonas Del Rosario na ang PGH, ang pinakamalaking COVID-19 referral facility sa bansa, ay kasalukuyang may 54 na pasyente lamang, ang pinakamaliit na bilang sa loob ng mahigit isang taon.
Naglaan ang PGH ng 350 beds para sa COVID-19 patients sa makaraang dumagsa ang mga nahawa ng nasabing virus.
“One good news is I was told [that] for the last two days, we have not admitted anybody for COVID. Our numbers are continuously going down,” saad niya sa ABS-CBN News Channel’s Headstart.
“Double digit numbers are really rated occurrence in PGH but now we are really going to the 50s, and who knows maybe in the next few days or weeks, we will be down to 20s. That is good news because we can now open more, open our hospital to non-COVID patients,” dagdag niya.
Sinabi ni Del Rosario na ang PGH ay dati nang may apat na ward para sa mga pasyente ng COVID-19.
“Now we have trimmed it down. We were able to close the three COVID wards and open it to non-COVID patients. That’s really a big boost,” banggit niya.
“We are catering to our usual patients, those with heart problems, kidney problems, pulmonary problems, a big chunk of those with cancer, a lot of kids who now can come in again to get admitted. We are getting the regular patients that we usually get before the COVID pandemic,”dagdag ng opisyal ng ospital.
Iniugnay ni Del Rosario ang pagbaba ng hospital admissions sa high vaccination rate sa Metro Manila.
Noong Nobyembre, naitala ng pamahalaan ang 94 percent ng target population sa Metro Manila ang ganap na nabakunahan laban sa COVID-19.
Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), na ang Metro Manila ay kasalukuyang may 3,434 aktibong kaso ng COVID-19 habang 15,188 sa buong bansa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY