November 3, 2024

HIGH FIVE SA TAGUMPAY NG PBA SEASON 45!

HIGIT sa isang buwan na ang nakaraan sa basketball bubble event, mataas pa rin ang emosyon sa opisyal na pagtiklop ng  Philippine Basketball Association Season 45 sa idinaos na special awards ceremony nitong nakaraang weekend.

Ginawaran ng espesyal na rekognisyon ang mga  natatanging individual na manlalaro pero ang pinakamalaking saludo ay para sa lahat nang nagkaisa’t nagtulong na  nairaos ang naiibang kaganapan  sa gitna ng pandemya upang makapag-alay ng  tuwa, pag-asa at inspirasyon sa bansa na nagresulta ng isang tunay na ‘mission accomplished’.

Pinuri at pinasalamatan nina PBA chairman Ricky Vargas at commissioner Willie Marcial ang mga magigiting na lalaki’t babae sa kanilang sanib-puwesang pagsisikap na maging matagumpay ang makasaysayang  Clark bubble event.

“It was the most difficult  season for us in the past seasons, and the bubble was really difficult for us to get into. The real heroes are those inside the bubble. They were our army who delivered the product to everyone,” wika ni Vargas   “If you would ask us to do it again , it would probably be easier, but the real heroes are the commissioner’s team and the players themselves who made this bubble happen,”dagdag pa niya.

Ang 2020 PBA wars  ay isang grandeng selebrasyon ng 45-anyos nang liga kahit na ito ay isang conference lang  sa buong taon pero hindi kailanman malilimutan.

“Salamat sa lahat ng players, coaches, governors, team owners , sa lahat ng mga naging commissioners mula 1975. Forty-five years na ang PBA at patuloy nating minamahal,”sambit naman ni Marcial.

Sa naturang emosyonal na gabi ng parangal, apat na Barangay Ginebra (bubble champion) players ang ginawaran ng individual awards sa pangunguna ni  Stanley Pringle  bilang Most Valuable Player of the Conference, Scottie Thomson bilang ‘Samboy Lim’ Sportsmanship award , Most Improved Player si Prince Caperal at Japeth Aguilar  na kasama sa Elite Five  kabilang sina  Pringle, Matthew Wright at Calvin Abueva ng Phoenix at Poy Erram ng TnT.

Ginawaran ng Outstanding Rookie award si Aaron Black( anak ni coach Norman Black) ng Meralco.

Forty- five years and counting.Lalo pag narito na ang vaccine, tuloy ang ligaya ng ligang basketbol ng bayan ngayong 2021…ABANGAN!!!