Paiilawan ng Clark Development Corporation (CDC) ang 40 talampakang Christmas tree ngayong araw sa Clark Parade Grounds para salubungin ang Yuletide season sa Clark Freeport Zone. (CDC-CD Photo)
CLARK FREEPORT
Sasalubungin ng Clark Development Corporation ang Yuletide season sa pamamagitan ng pagpapailaw sa 40 talampakan na Christmas tree sa Clark Parade Grounds ngayong araw.
Sa temang “Bringing Back Life to Clark”, magsisimula ang programa para sa Christmas tree lightning ceremony bandang alas-5:00 ng hapon. Pangungunahan at dadaluhan ito nina CDC Chairman Atty. Edgardo Pamintuan, CDC President and CEO Manuel R. Gaerlan at Metro Clark local government executives.
Samantala, ang giant holiday décor ay gawa sa G.I pipe frames at plastic vinyl na may 2,000 piraso ng LED light bulbs na magsisilbi bilang welcome sight at attraction sa lahat ng visitor at guest sa Freeport. Makadadagdag din sa diwa ng holiday dito ang iba pang mga dekorasyong nakalagay sa kahabaan ng mga panungahing daanan sa Clark.
Inorganisa ng CDC Tourism Promotions Division sa pakikipagtulungan ng CDC Communications Division ang nasabing lightning event. Magsasagawa rin ng entertainment at live performance sa pagtatapos ng programa
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna