January 24, 2025

HIDILYN DIAZ, SUPORTADO NI SEN. PACQUIAO SA PAGBUHAT NG UNANG GOLD MEDAL SA OLYMPICS

Nakakuha ng suporta si Filipina weightlifter Hidilyn Diaz mula kay boxing legend at senator Manny Pacquiao.

Katunayan, binati ng People’s Champ si Diaz pagkatapos ng matagumpay na makasampa sa Tokyo Olympics.

Sumabak kamakailan si Diaz sa weightlifting tourney sa Uzbekistan. Kung saan, nagkuwalipika ang kanyang nabuhat sa Olympic qualifying match.

 “Mabuhay ka Hidilyn Diaz! Dahil sa iyo, nabuhay muli ang pangarap ng ating bansa na makasungkit ng unang gintong medalya sa Olympics” saad ng 42-year-old boxer sa Twitter.

Bukod kay Pacman, umaasa rin ang kinauukulan, lalo na ang POC na makadadagit ng gold medal si Diaz sa Olympics. Malaki anila ang tsansa na mangyari ito dahil hinog na sa karanasan ang Pinay lifter.

 “Ako, kasama ng buong bansa ay sumusuporta at nananalangin sa iyong tagumpay,” dagdag pa ng senator.

Noong 2016, nag-courtecy call si Diaz sa opisina ng senador matapos masungkit ang silvewr medal sa Rio Olympics. Kung saan, nakatanggap siya ng cash prize reward mula sa boxing senator.