Bubuhat si Hidilyn Diaz para sa gold medal ng weightlifting event sa Vietnam SEA Games. Walang kapawis-pawis ang Tokyo Olympics gold medalist sa kanyang kampanya. Sasalang siya bukas ng ala 1:00 ng hapon sa women’s 55 kilogram event.
Ang Vietnam SEA Games ang unang pagkakataon na sasalang siya sa multisport event. Siya rin ang defending champion sa 55 kilogram title. Nagwagi siya ng gold medal noong 2019 SEA Games.
Bago magtungo sa Hanoi, nagsanay si Diaz at Team HD sa Ho Chi Minh City. Doon ay sinukat niya ang kanyang lakas at giyang sa pagbuhat. Inamin naman ng coach at nobyo ni Hidilyn na si Naranjo na malaking hamon ito sa kanya.
Lalo na’t markado na ang Pinay sa larangan ng weightlifting matapos manalo ng gold medal sa Tokyo Olympics. Ang pambato ng Thailand ang sinasabing mahigpit na karibal ni Hidilyn sa gold medal snatch.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2