
Sigurado na ang biyahe ni Hidilyn Diaz sa Japan para sa Tokyo 2021 Olympics. Ito’y matapos ng matagumpay niyang pagbuhat sa Asian Weightlifting Championships sa Uzbekistan.
Nakumpleto na ni Diaz ang kanyang requirement para makapasok sa pinakamalaking sporting event.
Ito na ang ika-apat na beses pagsalang ni Diaz sa Olympics, kung saan nagwagi siya ng silver medal noong 2016.
Bukod kay Diaz, kasama din sa Tokyo Olympics ang mga Pinoy athlete na sina EJ Obiena, Carlos Yulo, Irish Magno, Eumir Marcial, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.
More Stories
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms
Bike Lane Barriers sa EDSA, Tahimik na Inalis — mga Cyclist, Nanganganib!