UMANI ng papuri sa Senado ang pagsungkit ni Olympian weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa ginaganap na Tokyo games.
Naghain ng Senate Resolution No. 803 si Senadora Marcos para bigyan ng pagkilala ng mataas na kapulungan ng Kongreso ang kabayanihan, kagitingan at karangalan na ipinamalas ni Diaz sa buong mundo.
Ayon kay Marcos, chairperson ng Senate committee on economic affairs, si Diaz ay nagpamalas ng exceptional performance sa Tokyo olympics at determinasyon ng isang Pinoy para magwagi sa anumang pagsubok sa buhay.
“The best filipino is truly a Filipina, Hidilyn, what a grrrl! Congratulations on your win, your champion’s heart, and all those tears you turned to gold!,” ayon kay Marcos
Naghain din ng hiwalay na resolusyon sina Sen. Bong Go, Sen. Bong Revilla, Jr. Sen. Joel Villanueva, Sen. Ralph Recto, Sen. Francis Tolentino, Sen. Dick Gordon, Senate Minority Leader Franklin Drilon, Sen. Risa Hontiveros, Senador Pia Cayetano at Sen. Nancy Binay.
Pinagtibay ng senado ang Senate resolution no. 793 para kilalanin ang tagumpay i Diaz sa Tokyo Olympics.
Inaprubahan din ng Senado ang resolusyon ni Gordon na magpalabas ng commemorative stamp ang Post Office at monumento para kay Diaz.
Sinabi ni Diaz na walang imposible sa panalangin sa Panginoon kaya nya nalagpasan ang mga pagsubok sa olympics.
“Akala natin imposible. Akala ko rin imposible lalo na nasa pandemic. Akala ko imposible ang olympics –pero andito tayo ngayon. Kaya natin ito. Wag kayong sumuko. Kahit anong challenges at trials. Manalangin tayo kay God. Proud to be Pinoy!,” ayon kay Diaz.
Nakatakdang tanggapin ni Diaz ang 33-M pesos mula sa PSA, business tycoon Ramon S. Ang, businessman Manny Pangilinan na nangako ng tig-sampung milyon sa sinumang makakasungkit ng gintong medalya, habang 3-M pesos naman kay Cong. Mikee Romero.
Si Diaz ay tubong Zamboanga city, nag-aral ng business management sa De La Salle University-College of St. Benild at Sarhento ng Philippine Airforce (PAF).
Ito ang kauna-unahang gold medal ng Pilipinas matapos mabasag ang 97 taong paglahok sa Olympics.
Si Diaz, four-time Olympian, nagwagi sa women’s 55-kilogram weightlifting competition matapos buhatin ang overall 224 kilograms — na isang Olympic record.
Unang sumabak ang Pilipinas sa Olympics noong 1924, nang tumakbo si David Nepomuceno sa 100- at 200-meter sprints.
Nasungkit ni Teofilo Yldefonso ang first bronze medal noong 1928 at ang atletang si Anthony Villanueva ang nakapag-uwi ng first silver medal sa featherweight boxing.
Kabilang pa sa mga Pinoy athlete na lumalaban sa Tokyo olympics ay sina pole vault EJ Obiana ng Tondo, Manila, Nesty Petecio ng Davao, Karlo Paalam.ng Bukidnon, Irish Margno ng Baguio, Nomer Marcial ng Zamboanga city, Yuka Sasu ng Bulacan, Bianga Pagdanganan, at gymnast Caloy Yulo ng Maynila.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA