Sadyang ipinamalas ni olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang kanyang kabaitan. Ito’y matapos makatanggap ng biyaya gaya ng insentibo dahil sa pagsungkit ng gold medal sa weightlifting.
Ngayon, siya naman ang nagdonate ng gym equipments sa Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP). Gayundin sa Philippine Sports Commission ( PSC). Ang mga equipment ay nagkakahalaga ng P1 milyon.
Ito ay bahagi ng adbokasiya ni Hidilyn napalakasin , paularin at palaganapin ang nasabing sport. Na siyang nagbigay ng unang gold medal sa bansa. Sa gayun ay sumikat pang lalo ang weightlifting.
Si Hidilyn mismo ang nagbigay o nag-abot ng kanyang donation sa mga officials ng PSC at SWP.
“Si Hidilyn mismo ang nagbigay ng pera sa mga opisyales ng ahensiya. Kung dating si Hidilyn ang tinutulungan, siya naman ngayon ang tumutulong,” ani SWP president Monico Puentevella.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo