Tuloy sa kanyang training si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz para sa Tokyo Olympics. Ito’y matapos ang matagumpay niyang stint sa Uzbekistan.
Kung saan, naging saan ang kanyang kampanya sa pagpalaot sa Olympics. Katunayan, sinabi ni Monico Puentebella, president ng Samahang Weightlifter ng Pilipinas ang tungkol dito.
Aniya, sa halip na umuwi ay didiretso sa Malaysia ang 2016 Rio Olympics silver medalist. Doon na siya magsasanay para paghandaan ang Olympics.
Bago noon sumabak sa olympic qualifying tournament, nagsanay na si Diaz ng 14 months sa Malaysia. Kung uuwi kasi siya sa Zamboanga, baka mawala ang kanyang konsentrasyon.
Dagdag pa ni Puentebella, aalis sa Malaysia si Hidilyn Diaz isang buwan lumarga ang Olympics. Sa gayun ay masanay na ang katawan nito sa klima sa Japan.
“Everything is there in Zamboanga. She could be tapped as a ribbon cutter in some fiestas,” ani Puentebella.
“She’s been working for this for five years and now she’s just three months away to finish it.”
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo