
Rumekta na si Filipino weightlifter Hidilyn Diaz para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Mas maaga na siyang nagtungo roon para sa preparasyon sa torneo.
Ayon kay Samahang Weightlifting sa Pilipinas president Monico Puentevella, mahalaga ang pagtungo ng atleta sa mga torneo para sila ay makapag-familiarize.
Nararapat din aniya na ma-kondisyon nila ang kanilang mga katawan sa klima ng isang bansa. Magsisimula kasi sa Mayo 19 ang mga kompetisyon sa weightlifting event sa SEA Games.
Isa ang 31-anyos na si Diaz na paboritong manalo sa women’s 55-kilogram division. Gayunman, di pa rin nagpapakampante si Hidilyn. Pero, ibibigay niya ang kanyang buong makakaya upang magwagi ng ginto.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA