
Nagkita sina Hidilyn Diaz at gymnastics bet na si Carlos Yulo sa Tokyo. Nandooon na rin ang dalawang atletang Pinoy na sasalang sa kani-kanilang events sa July 24.
Katunayan, masayang nagpakuha ng selie ang dalawa. Pinost naman ito ng 2016 Rio Olympics weightliting silver medalist sa kanyang social media account.
Hiling ni Hidilyn na isama ng netizens sa mga panalangin si Caloy kapag sumabak na sa torneo.

“Sana mahaba ang usapan natin champ. Goodluck sa laban mo sa July 24. Kaya mo ‘yan. Please include Caloy in your prayers. #LabanPilipinas #Tokyo2020,” mensahe ni Diaz.
Naging positibo naman ang feedback ng mga netizens sa post ni Hidilyn. Anila, nawa’y manalo sila sa olympics. Lalo na sa pagsungkit sa first gold ng bansa sa quadrennial meet.

More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT