Hindi na matutuloy si Hidilyn Diaz sa kanyang pagbuha sa upcoming 2021 World Weightlifting Championships. Ang nasabing torneo ay idaraos sa December 7-17 sa Tashkent, Uzbekistan.
Bagamat nagsanay ang 2020 Tokyo Olympics gold medalist sa Malaysia, back-out siya sa torneo. Ito ay dahil sa ilang commitments at wala nang panahon pa upang maghanda.
Ito rin ang naging kaso ng ilang Olympians, kaya di rin sila makalalahok. Sa halip, ipadadala ng Pilipinas ang mga ‘young guns’. Na babaderahan nina Elreen Ando at Vanessa Sarno.
Kasama rin sa young weightlifters na bubuhat sa world’s si Mary Flor Diaz. Gayundin si Ellen Rose Perez, Margaret Colonia at Kristel Macrohon. Kukumpleto naman sa Team Philippines sina Fernando Agad, John Ceniza, Dave Pacaldo at John Tabique.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2