TULOY ang paghahasik ng masamang balita sa sangkatauhan ng mga demonyo sa da ‘WHO’.
Matapos na makatuklas nang pantapat na bakuna ang mga eksperto sa siyensya at matutuldukan na sana ang halos isang taong bangungot ng pandemya ng bininyagan nilang Covid-19 ay heto at meron na namang pinantatakot ang mga putris na alarmists na magkakalat na naman ng bagong pandemyang mikrobyo daw na mas malakas makahawa sa mga tao.
Imagine na nagoyo ng da WHO ang mundo sa mikrobyong 1% ang mortality rate at higit 90% ang recovery at ngayon nga ay may bago na naman silang pang-alarma.
Kaya taranta na naman ang mga mamamayan sa iba’t ibang nasyon na di pa nakakahulagpos sa kapraningan tungkol sa virus.
Nagsisimula na namang magbilang ng mga istadistika ang mga linsyak na mga alarmista upang muling lumpuhin ang pamumuhay ng mga tao at sumunod sa kagustuhan nilang magkulong na lang sa kanilang bawat silong (bakuna ang kailangan hindi lockdown).
Bultong salapi ang gugugulin ng mayaman at mahirap na bansa para lang makontra ang virus sa pamamagitan nang vaccine na mukhang masasayang lang kapag napaniwala ang mundo na mas deadly ang idinuduldol na naman nilang mikrobyo ng kapraningan.
Panibagong bulto na naman nang kuwarta ang kanilang kakamalin.
Pero para saan pa ang salapi nilang kinita kung nangalagas na ang tao? Hindi dahil sa virus kundi sa gutom bunga nang pagsara ng ekonomiya ng mga bansa at ang pinakamasamang mangyayari ay magkakaroon na ng chaos at catastrophe para sa survival of the fittest.
Sino ang dapat na pumigil sa nightmare na da WHO?
Divine Providence na lang ang pag-asa ng sanlibutan dito. Manalig tayo. ..Amen!
More Stories
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!
‘PASINGAW’ NG LPG NI ‘ERIC’ SA TIAONG, QUEZON WALANG SINASANTO AT WALANG KINAKATAKUTAN
LANDBANK INUPAKAN SA MALIIT NA PAUTANG SA MAGSASAKA, MANGINGISDA AT P3.6-B UTANG NG MARIKINA