November 23, 2024

‘HER’ CENTER SA QUEZON CITY BINUKSAN NG SMC

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang opisyal ng pagbubukas ng Better World Cubao, para sa mga mahihirap na kababaihan at biktima ng karahasan. Ito na ang ika-apat na Better World community center ng SMC at binuksan kasabay ng International Women’s Day. Makikita rin sa larawan sina Congresswoman Malou Acosta-Alba, representatives from the San Miguel Foundation, at  Better World Cubao’s partners organizations, kabilang ang AHA Learning Center, Likhaan Center for Women’s Health, at  Miriam College. 

BINUKSAN ng San Miguel Corporation (SMC) ang isang health, empowerment, and recovery (HER) center sa Cubao, Quezon City para sa mahihirap na kababaihan na tinawag na Better World.

Ayon sa SMC, inilunsad nila ang kanilang pang-apat na Better World facility bilang paggunita sa International Women’s Day ngayong taon. Layunin ng Better World Cubao (BWC) na bigyang kapangyarihan ang mga mahihirap na kababaihan, lalo na ang mga ina ng tahanan, na dumaan sa mahihirap na panahon at/o pang-aabuso. May kabuuang 360 kababaihan na ang pumirma sa programa.

Sa pamamagitan ng BWC at ng non-profit partners nito, ang mga ina ay magkakaroon ng access sa mga serbisyong pangkalusugan, matuto nang higit pa tungkol sa kanilang mga karapatan at kung paano epektibong maipaparating ang kanilang mga pangangailangan, at makatanggap ng suporta mula sa ibang kababaihan.

“Right now, our focus is on launching our health clinic, women’s rights workshops, and legal consultations, as well as safe space classes. Our vision is to eventually turn BWC into a community hub that brings together several community agencies to provide programs and services to empower women,” saad ni SMC president and CEO Ramon S. Ang.

Sinabi ni Ang na ang masamang epekto ng pandemya sa mga kababaihan, lalo na sa mga ina mula sa mahihirap na komunidad, ay nagtulak sa kompanya para ipatayo ang pang-apat na BWC nito.

“Women’s experiences at home, even their health, work, and economic security have all been affected negatively by the pandemic. We hope to address issues they face by bringing together advocates who will help provide interventions. [In addition], we want to create a community of women that supports other women,” ayon kay Ang.

“With BWC, we hope to give our mothers from disadvantaged communities the tools and guidance they need to be healthier, stronger women for themselves, their families, and communities,” dagdag pa niya.

Nagtayo ang SMC ng Better World community centers mula noong 2019 sa Tondo, EDSA at Diliman.