November 3, 2024

Hepe ng PNP, nag-courtesy call sa mga senador

Nag-courtesy call si Philippine National Chief Lt. Gen. Camilo Pancratius Cascolan  kay Senator Manuel “Lito”Lapid bago magsimula ang session sa plenaryo kamakalawa. Si Senator Lapid o Pinuno  na kilalang  sa kanyang ginagampanan kabayanihang karakter sa pelikulang ‘Ang Probinsyano’ ay nagpahayag ng suporta sa bagong pamunuan ng pulisya kung ano man ang magiging programa  nito. (DANNY ECITO)

NAG-COURTESY CALL si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Camilo Cascolan sa mga senador, ilang araw matapos italaga bilang bagong pinuno ng kapulisan.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III napag-usapan nila ni Cascolan ang budget para sa PNP ngayong taon.

“They also need additional funds for their 2021 budget for new units to be put up. Stronger intel group and anti-terror units and additional [COVID-19] units,”  ani ni Sotto.

Nag-courtesy call din ang bagong PNP Chief kay Senator Lito Lapid. Napag-usapan ng dalawa kung papaano susuportahan ng senador ang planong pagbabago ni Cascolan sa hanay ng ating kapulisan.

Si Cascolan ay itinalaga bilang PNP chief noong Setyembre 1 matapos magretiro ni Gen. Archie Gamboa. Kapwa nabibilang sina Cascolan at Gamboa sa Philippine Military Academy Sinagtala Class of 1986.

Bago maging PNP Chief, nagsilbi si Cascolan bilang PNP deputy chief for administration.

Si Cascolan ang ika 24th chief ng PNP at nakatakdang magretiro sa Nobyembre 2020.