Sibak sa puwesto ang hepe ng Kawit Municipal Police Station at isa pang pulis matapos makatakas ang tatlong preso sa kanilang kulungan, ayon sa Police Regional Office 4-A.
Kinilala ng PRO4A ang mga opisyales na sina Kawit Municipal Police Station chief Police Major Celestino Palmares at Police Staff Sergeant Ryan Pascua.
Sinabi ni PRO4A director Police Brigadier General Eliseo Cruz na ang pagkakasibak sa dalawa ay para hindi makaapekto sa ikinakasang imbestigasyon.
“Habang sila ay nasa kustodiya ng ating Regional Personnel Holding and Accounting Section o RPHAS, iimbestigahan natin ang mga ito kung bakit sila ay natakasan ng detainees,” saad ng Regional Director.
Lunes ng umaga nang magsagawa ng inspeksyon si De Guzman sa Kawit Custodial Facility dakong alas-6:30 ng umaga nang mapansin nito na sira na ang kandado ng kulungan.
Kinilala naman ang mga nakatakas na bilanggo na sina Tristan Antonio, 19, may kasong kinalaman sa pagnanakaw; Rhino Reyes Ortega, 27, may kasong may kinalaman sa paglabag sa Anti Carnapping Law; at Jon-Jon Esquillo Cortezanoportes, 22, may kasong may kinalaman sa paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002.
Hinimok ni Cruz ang publiko na isumbong ang kinaroroonan ng mga bilanggo na nakatakas o kung may kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE