SIBAK ang hepe ng Ermita Police Station matapos malabag ang safety at health protocols nang buksan sa publiko ang artificial white sand beach sa kahabaan ng Manila Bay.
Inanunisyo ni Brigadier General Rolando Miranda, director ng Manila Police District, ang pagkakatanggal kay Station Commander Ariel Caramoan makaraang dumugin ng tao ang pinagandang bahagi ng Manila Bay.
Ayon kay Miranda, kanilang ding iimbestigahan si Carmoan kung mayroon itong naging pagkukulang sa pagbabantay sa pagbubukas ng artificial beach, na pinagkaguluhan ng mga tao noong Sabado.
Makikita sa mga larawan na hindi nasunod ang physical distancing protocols, na dapat maipatupad upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
“Titingnan natin kung mayroon siyang pagkukulang sa nangyari. Kung wala naman, ibabalik naman natin siya,” wika ni Miranda.
Ayon sa Joint Task Force (JTF) COVID Shield, dapat nagkaroon si Caramoan ng plano at mahigpit na ipinatupad ang strict at health safety measures sa pagbubukas ng nilinis at pinagandang bahagi ng Manila Bay.
“Caramoan could have prevented the quarantine protocol violations at the Manila Bay if there [were] prior planning and regular monitoring of the situation in the area,” ayon sa JTF sa isang pahayag.
Iginiit din ng JTF COVID Shield sa publiko na ugaliing maging disiplinado at maingat kung bibisita sa Manila Bay para sa kanilang kaligtasan. Samantala, itinalaga si Lieutenant Colonel Alex Daniel bilang officer-in-charge sa Ermita Police Station.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA