Umalma si Lt. Jesus Ducusin , ang hepe ng Airport Police Department-Investigation and Intelligence Division sa pagsabon sa kanya ni Office of Transport Security o OTS Head Undersecretary Raul del Rosario.

Nag-ugat ito sa paghuli ni Lt. Ducusin sa ilang screeners ng OTS na hinihinalang sangkot sa pagkawala ng bagahe ng mga pasahero matapos na dumaan sa X-ray machine na binabantayan ng mga tauhan ng OTS.
Ayon kay Lt. Ducusin, inimbitahan siya ni Del Rosario sa zoom meeting at doon siya dinuro-duro ng OTS head.
Inutusan din aniya siya ni Del Rosario na ang mga nahuhuli nitong OTS screeners ay i-turnover sa kanya, bagay naman na inalmahan ni Lt. Ducusin dahil hurisdiksyon aniya ito ng APD.
Naungkat din aniya ni Del Rosario ang paghuli noon ng Airport Police Department sa isang tauhan ng Philippine Coast Guard na naka-assign sa NAIA , dahil sa traffic violation.
Si Del Rosario ang siya rin kasing head ng NAIA One Stop Shop na siyang nag-a-assist sa mga dumadating na OFWS sa NAIA. Ang Philippine Coast Guard naman ay kasama sa nasa ilalim ng NAIA One Stop Shop na pinamumunuan ni Del Rosario.
More Stories
LTO enforcers sa Panglao, Bohol pinatawan ng suspension
CIDG HANDA NANG ARESTUHIN ANG MGA SUSPEK SA ‘MISSING SABUNGEROS’
Makalipas ang 11 taon… 5 SALARIN SA PAGDUKOT AT PAGPATAY SA KOREANA, HINATULAN NG HABAMBUHAY