SINAMPAHAN ng reklamo ang hepe ng Cabiao Municipal Police Station sa Nueva Ecija, at 4 niyang mga tauhan bunsod sa pagtatanim ng ebidensiya sa isang social media content creator.
Inakusahan ng complainant na si Noel Montano o kilala bilang El Tarik, ang mga respondents na lumabag sa Republic Act 9516 at dahil sa gross misconduct, conduct unbecoming of a police officer, at conduct prejudicial to the best interest of the service.
“Respondents are all policemen who willfully and feloniously conspired to plant a grenade as incriminating evidence inside my house to affect my illegal arrest on February 21,” ani Montano sa kanyang limang pahinang complaint-affidavit na inihain sa Office of the Ombudsman.
Kinilala ang mga respondents na sina Police Major Shariel Paulino, Police Captain Sherwin Veloria, Police Corporal Arvin Rove Velasco, Police Corporal Jordan Talavera, at Police Staff Sergeant Joy Kristine Villar.”
Sinabi naman ni Paulino na hindi pa nila natatanggap ang kopya ng reklamo.
Sa reklamo, isinalaysay ni Montano na nag-aalaga siya ng kanyang ina na kagagaling lamang sa isang intestinal surgery na dumating ang mga pulis para silbihan siya ng search warrant.
Matapos ipakita ang search warrant laban sa kanya sa umano’y pagtatago niya ng mga armas, sinabi ni Montano na nag-request siya sa team leader na mag-imbita ng mga opisyal ng barangay para maging witness sa paggalugad.
Sa kanyang imbitasyon, sinamahan umano siya ng barangay councilor pabalik sa kanyang bahay. Habang pauwi, nakita umano niya ang mga lalaking nakasibilyan na mula sa direksyon ng kanyang bahay. Naniniwala ito na intelligence officers ang mga ito ng naturang police station.
Nang dumating sa bahay, sinabi sa kanya na may mga pulis nang pumunta sa bisinidad ng kanyang bahay at umalis na.
“I was shocked when after searching the loft, the policemen declared that they found a grenade under the pillow of my sick mother. I protested the finding because first, I never owned any explosive, especially a grenade that may put our lives in peril,” ani Montano.
“And second, no one in his right mind would hide a grenade under the pillow of his ailing mother that just just went under the knife,” dagdag pa niya.
Agad na ibinasura ng prosekusyon ang mga reklamo laban kay Montano sa pagsasabing “there is nothing enumerated in the search warrant that was recovered from the possession of the respondent.”
“My predicament has caused so much injustice, public humiliation, anxiety, and undue persecution as my rights were directly violated,” sinabi ni Montano.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan