MANILA, PHILIPPINES
Tatakbo sa pagka-Presidente si dating National Task Force in Ending Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Ret. Lieutenant General Antonio Parlade Jr. sa Eleksyon 2022.
Pinalitan ni Parlade, na nagretiro sa militar noong Hulyo, si Antonio Valdez bilang standard bearer ng Katipunan ng Demokratikong Pilipino (KDP), ayon sa tweet ni Joseph Moring ng GMA News.
Inihain ni Parlade, na madalas akusahan ng “red-tagging” noong panahon ng kanyang panunungkulan sa NTF-ELCAC, ang kanyang kandidatura sa huling araw ng substitution para sa Halalan 2022.
Matapos magretiro mula sa militar at bumaba sa pwesto mula sa NTF-ELCAC, itinalaga si Parlade bilang deputy director-general ng National Security Council.
More Stories
MATINDING TRAPIKO ASAHAN NA SA MINDANAO AVENUE DAHIL SA SUBWAY CONSTRUCTION
MANIBELA NAGSAGAWA NG KILOS-PROTESTA
P3.3-M ALAHAS NILIMAS NG AKYAT-BAHAY SA QUEZON