
NAGSAGAWA ng forum nitong Enero 16 ang Philippine Health and Mercury Wastes Management Project (HCW Project) bilang pagdiriwang ng International Zero Waste Month.
Binigyang-diin ng grupo ang pangangailangan upang itaguyod ang Zero Waste practices at principles sa healthcare sector, palakasin ang kolaborasyon, at tugunan ang mga hamon sa pag-i-implemnt ng sustainable waste management solutions.
Ang naturang event, na pinamagatang “Zero Waste for Health: Advancing Sustainability in Healthcare Facilities,” ay isinagawa nang sabay-sabay sa tatlong rehiyon kung saan ang ipinatupad ang HCW Project: Region 2, Region 8 at National Capital Region, na may centralized online program.
Dinaluhan ito ng mga healthcare professionals at waste management staff mula sa mga kaakibat na ospital ng HCW Project, kasama ang mga kinatawan ng lokal na pamahalan mula sa mga nakapaligid na barangay at siyudad.
Ang mga lumahok na ospital ay kinabibilangan ng Quezon Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City, Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City, at Eastern Visayas Medical Center (EVMC) sa Tacloban City.
More Stories
BABAENG NAGPANGGAP NA PULIS ARESTADO SA PAGWAWALA, DROGA
KITA NG GASOLINAHAN, NILIMAS NG RIDER
PILIPINAS TINANGGAL SA ‘GREY LIST’ NG FATF