INIHAYAG kahapon ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang kahalagahang mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa kanyang nasasakupan para makahinga ang ating healthcare system at hindi ito tuluyang bumagsak.
Ayon sa alkalde, batay sa huling ulat ng City Health Office, 157 ang nagpositibo sa COVID-19 , at at isa sa kanila ay binawian na ng buhay, habang 71 ang gumaling na.
“Puno na po ang dalawa nating community isolation facilities. Kaya po nagdadala na tayo ng mga pasyente sa walong iba-ibang isolation facilities na handog ng pamahalaang nasyonal. Pero kahit ang mga ito ay napupuno na rin. Pati ang ilang malalaking ospital ay hindi na tumatanggap ng mga bagong pasyente dahil sobra na sila sa kanilang kapasidad,” ani Tiangco.
Hanggang kahapon ay 3,225 na ang nagpopisitibo sa nasabing sakit sa lungsod. 1,760 dito ang active cases, 1,363 ang gumaling na at 102 na ang namamatay.
“Malaki po ang ating maitutulong para maiwasang mangyari ito: manatili sa bahay hanggang maaari, magsuot ng face mask nang tama, dumistansya ng 1-2 metro mula sa iba, at maghugas parati ng kamay,” muling paalala ng alkalde.
Sa kabila nito, Ayon sa ulat ng Navotas Police kay Mayor Tiangco hanggang 5 pm kahapon. umabot na sa 836 modified enhanced community quarantine violators na ang kanilang mga naaresto. Sa bilang na ito, 765 ang sinakote dahil sa hindi pagsusuot o maling pagsusuot ng faces mask, 35 dahil sa paglabag sa curfew, at 36 naman dahil sa hindi pagsunod sa physical distancing.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA