Nagsagawa ng “snake rally” ang health workers mula sa Jose Reyes Memorial Medical Center para kondenahin ang pagkamatay ng kapwa nilang si Judyn Bonn Suerte dahil sa COVID-19. Nailigtas sana siya kung nagamot agad sa ospital at hindi na dinala pa sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital, ayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-Alliance of Health Workers. Isa rin daw sa problema nila ang hindi pagkakaroon ng libreng re-swabbing test matapos ang kanilang quarantine. (kuha ni NORMAN ARAGA)
NAGSAGAWA ng ‘snake rally’ ang mga health workers ng Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) para kondenahin ang pagkamatay ng kasamahan nilang si Judyn Bonn Suerte dahil sa COVID-19.
Ayon sa Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-Alliance of Health Workers, nasawi si Suerte dahil sa kapabayaan ng hospital management, DOH at administrasyong Duterte.
Nababahala umano sila at nag-aalala umano sila sa kanilang kalusugan at kondisyon sa trabaho sa mga hospital.
Sinasabing patuloy na tumaas ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 na health workers ng JRRMC
Isa lamang si Judyn Bonn sa 20 JRRMC health workers na nahawa sa virus. Kabilang siya sa maraming health workers na patuloy na nanawagan para sa kanilang protection sa COVID-19, libreng mandatory at regular swab testing sa lahat ng health workers.
“One of his calls was; Free mandatory mass testing to all health workers now! Ayaw pa naming mamatay kaya PPE, ibigay! Distribute PPE now!”
“On July 31, our comrade died of the deadly virus. He is one of the most active health worker leader of Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-Alliance of Health Workers (JRRMMCEU-AHW). We believe that Bonn’s life would have been saved if it had been immediately treated by Jose Reyes Memorial Medical Center and not brought to Dr. Jose n. Rodriguez Memorial Hospital where he died. It is painful to think but it is clear to us that this is a major negligence of the hospital management and the DOH itself due to their anti-health workers protocols”, wika ni Ms. Cristy Donguines, R,N, President ng JJRMMCEU.
“The management blindly implemented the DOH’s defective protocol that led to the death of a health worker of the said hospital. DOH has instructed all medical center chiefs and hospital directors that all employees admitted to their respective hospital with severe COVID-19 cases should be transferred to any designated exclusive COVID-19 referral hospitals”.
Bukod dito, hindi rin aniya naoobserbahan ang infection prevention at control measures; kakulangan sa PPE, kailangan din daw magbayad ng health workers para sa mai-swab test na ikinakaltas sa kanilang PhilHealth contribution na galing sa kanilang bulsa.
“One of our problems is that; no free re-swabbing test after our quarantine. It should be one of the protocols to be implemented by the hospital to ensure that we are really fit to work. Worst, in order to make sure that we are really fit to work; we pay for our re-swabbing test outside of our hospital that costs; when in drive thru- P5,500.00, walk-in – 4, 300 and when you have PhilHealth it cost 1, 600.00,” saad pa niya.
“While, health workers are grieving but we are not losing the strength and fighting spirit to continue the fight of our fellow health workers. Ang panawagan at laban ni Bonn ay laban ng lahat ng Manggagawang Pangkalusugan,” pahayag pa ni Donguines.
“As we courageously fight the deadly COVID-19, let us not allow the DOH and the Duterte government relinquish their duty to ensure the safety and well-being of health workers,” giit pa niya.
Nanawagan din siya sa mga kapwa niya health workers na magkaisa upang makamit ang hustisya hindi lamang ni Judyn Boon Suerte at kundi maging mga kasamahan nila na nagbuwis ng buhay upang labanan ang virus.
Dapat din aniya managot ang DOH at ang pamahalaang Duterte dahil sa kanilang kapabayaan at kabiguan sa paghawak sa pandemic
More Stories
PULIS PATAY SA SAKSAK NG CONSTRUCTION WORKER DAHIL SA SELOS
IKATLONG IMPEACHMENT COMPLAINT ISINAMPA VS VP SARA
ILLEGAL NA PAPUTOK, BANTAY-SARADO NG DTI