November 24, 2024

Health workers inakusahang terorista
PHYSICIAN LICENSE
NI BADOY
HINILING KANSELAHIN

MAYNILA– Nagtungo ang Alliance of Health Workers (AHW) ngayong Lunes sa  Professional Regulations Commission (PRC) para maghain ng reklamo laban kay government anti-communist task force (NTF-ELCAC) spokesperson Lorraine Badoy.

Nais kasi ng AHW ang rebokasyon o tuluyang pagkansela sa physician license ni Badoy.

Sinabi ng grupo na ang pag-uugali at mga pahayag ni Badoy na sinisiraan ang kanyang mga kapwa manggagawang pangkalusugan at ang AHW bilang isang organisasyon ay “bumubuo ng hindi propesyonal at hindi etikal na pag-uugali, kung saan dapat siyang parusahan.”

“We are upset by this red-tagging issue. We are in the midst of a pandemic wherein we risked our lives and health in fighting the deadly virus. Many of our fellow health workers died in combating COVID-19 and yet we are being maliciously attacked and accused of being terrorists by Ms. Badoy and the entire NTF-ELCAC,” saad ni Cristy Donguines, isang nurse at presidente ng Jose Reyes Memorial Medical Center Employees Union-Alliance of Health Workers.

Sinabi ni Badoy sa isang pahayag na pahayag na ipinaskil sa Facebook page ng NTF-ELCAC na inilathala noong nakaraang taon na isa ang AHW sa mga organisasyon na binuo ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front “precisely for the infiltration of government.”

Inakusahan din niya si AHW president Robert Mendoza at secretary-general Benjamin Santos bilang mga “operatiba at kadre ng CPP-NPA-NDF.”

“The false, baseless and dangerous allegations of Badoy have caused intense anxiety and sleepless nights to AHW’s national leaders and members and have also caused the same level of distress to people who are close to us,” saad ni Donguines. Sinabi ng grupo na ang mga kilos at pahayag ni Badoy para siraan ang mga kapwa niya health workers at AHW bilang organisasyon ay masyadong hindi propesyunal at unethical conduct, kung saan nararapat siyang parusahan.

“She owes a degree of responsibility to fellow health workers to act with professionalism and fairness, and not unfairness and vitriol,” dagdag pa nila.