November 16, 2024

HEALTH WORKERS HAHARANAHIN NG OVP SA LABOR DAY

MAGSASAGAWA ang Office of Vice President (OVP) ni Leni Robredo ng isang online concert kasabay ng Labor Day ngayong Mayo 1 para magbigay-pugay sa mga health workers na patuloy na nakikipaglaban sa COVID-19.



Sa isang pahayag, sinabi ng tanggapan ni Robredo na ang naturang concert, ay pinamagatan na Harana: Musical Tribute to Filipino Frontliners sa ilalim ng Istorya ng Pagasa program ng OVP/

Kasama listahan na magpe-perform ay sina: The Company, Noel Cabangon, Cooky Chua, Nonoy Zuñiga, Agot Isidro, Buboy Garrovillo, Joana Ampil, Renato Lucas, Skarlet Brown, Ivy Violan, Joey Ayala, Noli Aurillo, at Bayang Barrios, at iba pa.

Bukod sa mga artista, highlight din sa concert ang performance ng mga doktor, nurse at staff ng Philippine General Hospital.

Tampok din sa naturang programa ang mensahe ng inspirasyon at pag-asa mula sa mga frontline, kanilang pamilya at mga pasyente na gumaling sa COVID-19.

“Viewing stations in participating hospitals, such as the National Kidney Transplant Institute and the Quirino Memorial Medical Center, and other provincial hospitals will be set up to allow on-duty frontliners, as well as patients, to enjoy the musical,” saad ng OVP sa isang pahayag.

Magho-host naman sa nasabing korsiyento ang foundrt ng True Faith band at lead vocalist na si Medwin Marfil at Binibining Pilipinas 2020 Top 16 finalist Caroline Veronilla na mapapanood ng live sa Istroya ng Pag-asa Facebook page dakong alas-7:00 ng gabi sa Sabado.

Isa sa mga partner ng OVP sa inisyatiba ay si Architect Peach Buencamino na siya ring nagpasimula ng Oasis Project (libreng dorm) para sa mga frontliners sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Sana kahit papano, kahit sandali at kahit sa maliit na paraan ay magawa nating ipakita ang ating paghanga at pagmamahal para malaman nilang hindi sila nag-iisa sa labang ito,” ayon kay  Buencamino.