IBINAHAGI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kabilang ang health, livelihood at peace sa ilan lamang sa napagtagumpayan ng kanyang administrasyon sa loob ng kanyang ika-100 araw na panunungkulan bilang Pangulo.
“Wala pa naman talaga tayo sa kalingkingan ng kabuuang planong gusto nating ipatupad, nakapaglatag naman tayo… ng matibay na pundasyon bilang simula ng pinangako nating pagbabago,” saad ni Marcos sa kanyang weekly vlog.
Tiniyak natin na mabigyan ng sapat na atensyon ang pundasyong tinuturing nating sangkap ng isang masaganang lipunan,” wika niya.
Ayon sa Pangulo, iba’t iba mang mga programa at proyekto ang nailunsad at naisagawa sa nakaraang 100 araw, lahat ng ito ay upang mapagtibay ang tatlong pundasyon ng pagbangon ng bansa- kalusugan, kabuhayan, at kapayapaan.
Naniniwala si Marcos na ang kanyang unang100 araw bilang Pangulo ay isang tagumpay.
“Ang maituturing kong malaking tagumpay ng ating panunungkulan sa loob ng 100 araw ay ang pagbibigay ng direksyon at layunin sa lahat ng ating ahensya ng ating pamahalaan at sambayanang Pilipino,” wika niya.
“Ang maipahiwatig sa bawat lingkod bayan kung ano ang kalidad ng serbisyo at kooperasyon ang kinakailangan upang maisagawa natin ang ating inaasam na pagbangon.”
Umaasa ang Pangulo na sa pamamagitan ng gabay ng Panginoon at ng pakikiisa ng sambayanang Filipino, ipagpapatuloy niya at pag-iigihin ang nasimulang trabaho at pagsisilbi sa bayan.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR