Ang mga residente ng Barangay Pinyahan sa Quezon City (QC) ay nakapag-avail ng libreng serbisyong pangkalusugan at kalinisan na itinataguyod ng “Team Kwatro”, ang slate ng mga lokal na kandidato mula sa ika-apat na distrito ng QC noong Pebrero 1, 2022. Kasama sa naturang serbisyo ay libreng gupit ng buhok at eye check up, namigay din ng libreng eye glasses bilang bahagi ng kanilang “Health Caravan”. Sa pagsisimula ng panahon ng halalan, ang panahon ng kampanya gayunpaman ay papalapit muna sa national level na nakatakdang magsimula sa Pebrero 8, 2022, habang ang lokal na kampanya ay nakatakda sa Marso 25, 2022. (Larawan ni ART TORRES)
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA