TINUKOY ang head nurse ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) bilang umano’y lider ng ‘kidney-for-sale’ syndicate, matapos ang pagkakaaresto sa tatlong suspek sa ikinasang operasyon ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) sa Bulacan.
Ayon kay NBI Director Jimmy Santiago, itinuro ng mga naarestong suspek na sina Angela Atayde, Marichu Lumibao at Dannel Sicat ang head nurse ng NKTI.
Ayon kay Santiago, nakatanggap ng reklamo ang NBI-NCR kaugnay sa bentahan ng kidney sa halagang P200,000.
Ayon sa NBI, nag-alok ang mga suspek ng P200,000 sa mga biktima para makuhanan sila ng kidney o bato, upang ilipat sa kliyente o pasyente na handang magbayad.
“Victims identified the three as the group that processes their kidney transfer. According to the victims, (the suspects) are the ones who maintain and harbor them for the purpose of their kidney organs being transferred for a fee,” saad pa sa pahayag ng NBI.
Nasa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office sa San Jose Del Monte ang mga biktima.
Sinampahan naman ng reklamong paglabag sa Section 4(h) ng Expanded Anti-Human Trafficking Act ang mga nadakip na suspek.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, kung mapapatunayang nagkasala ang mga suspek, maaari silang magmulta ng mula P1 milyon hanggang P2 milyon, at pagkakakulong ng hanggang 20 taon. ARSENIO TAN
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA