Pagkatapos ng apat na taong serbisyo sa Cignal HD Spikers, ganap nang nagpaalam si head coach at general manager Edgar Barroga.
Ang kanyang pamamaalam sa nabanggit na volleyball team sa Philippine Superliga (PSL) ay inanunsiyo niya sa kanyang Facebook account kahapon.
Ani Barroga, napaso na kasi ang kanyang kontrata at hindi na na-renew.
“My contract expired and I was not renewed,” pahagay ni Barroga ESPN5.com.
“The reason the management gave me was that there is so much uncertainty surrounding the continuation of the league (this year) and the economy is struggling. And I am one of the pandemic casualties.”
“God has a better plan (for me),” aniya.
Kaugnay dito, maglalabas naman ng pahayag ang Cignal sa pagkawala ni Barroga sa team. Pinasalamat din ng Cignal si Barroga sa mga naging ambag nito sa koponan.
Buhat nang matengga ang 2020 PSL season dahil sa COVID-19 pandemic, isa ang pangalan ni Barroga sa maaaring mabaklas sa team; dahil sa sitwasyong pang-ekonomiya dulot ng hindi inaasahang sitwasyon.
Pupunan naman ng bagong Cignal assistant coach Shap de los Santos ang team bilang bagong interim coach kapag bumalik na sa eksena ang liga.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2