Kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na naka-admit siya ngayon sa isang pagamutan dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Sec. Roque, ito ang patunay na mas nakakahawa na ngayon ang COVID-19 kaya kinakailangan ang mas ibayong pag-iingat.
Ayon kay Sec. Roque, bagama’t nasa ospital, siya pa rin ang mag-aanunsyo ng quarantine classification para sa National Capital Region (NCR) Plus Bubble para sa susunod na linggo.
Ito na ang ikalawang beses na pagkakahawa ni Sec. Roque ng COVID-19.
“I am now admitted in a hospital for Covid treatment. This is to say that COVID-19 is more transmissible now so we have to do extra precaution. I will announce the risk classification of the National Capital Region Plus Bubble which will be discussed in the IATF meeting today. I am asking for your sincerest prayers to all afflicted with Covid 19 in the country and around the world. God bless and protect us all,” ani Sec. Roque.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON