December 23, 2024

HARRY ROQUE, LEGAL COUNSEL NG POGO HUB SA PAMPANGA (Ikinanta ng PAGCOR)

ININGUSO ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chief Alejandro Tengco si dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nagsilbing legal counsel ng sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na Lucky South 99.

Sa pagdinig ng Senate committee on women and gender equality, sinabi ni Tengco na nagtungo sa kanyang tanggapan si Roque sa kanyang tanggapan si Roque noong Hulyo 26, 2023 para humingi ng tulong tungkol sa isyung pinansyal ng Lucky South 99, na nakabase sa Porac, Pampanga.


“So noon pong ika dalawampu’t anim ng Hulyo 2023, nagkaroon ng pagkakataon na bumisita po sa aking tanggapan sa Pagcor – noon pong nasa Ermita pa kami — siya po ay nabigyan ng appointment at siya po ay dumating sa aking tanggapan,” ayon kay Tengco.

Ayon kay Tengco, kasama ni Roque isang Cassandra Lee Ong, ang authorized representative ng Lucky South 99 na may problema sa tinawag niyang “arrears” sa naturang ahensya.

Kwento di umano ni Roque at Ong, itinakbo di umano dating Technology and Resource Center director general Dennis Cunanan ang $500,000 (katumbas ng P29.3 milyon) na pambayad di umano sana sa “arrears” ng Lucky South 99 sa PAGCOR.

“Sa kanya [Roque] pong pagpapakilala sa amin, sinabi niya na may problemang kinakaharap si Cassandra Lee Ong at ito ay tungkol sa kanyang pagbabayad ng kanyang mga billing ng kompanyang kinakatawan niya sa Pagcor,” kwento ni Tengco sa komite.

“Sabi nya, siya ay nagtiwala sa kanilang authorized representative na si Dennis Cunanan. ‘Yun daw na anim na buwan na dapat ibayad nilang buwis sa PAGCOR, binibigay nya kay Cunanan para ibayad sa PAGCOR,” aniya pa.

Bukod sa buwanang obligasyon sa PAGCOR, sinabi din umano ni Ong na sinisingil pa raw siya ng fee, fines at penalties ni Cunanan.

“Nagulat daw po sila nung nagpadala ng sulat ang office ni Atty. Jessa Fernandez sa kanila na nagsasabi may arrears sila ng 6 na buwan, humigit kumulang sa $600,000. So sabi ni Cassandra, sa aking naalala, “Chairman sa totoo habang tayo any nag-uusap mayroon na po nagbabayad sa Landbank sa account ng PAGCOR para yung arrears 500,000 dollars ay mabawasan”,” ani Tengco.

“Sabi ko sa kanya bakit ka nagtiwala kay Ginoong Dennis Cunanan, di na lang diretso sa Landbank sa account ng PAGCOR. Sabi niya pinagkakatiwalaan niya si Cunanan dahil siya ang facilitate ng lisensiya nung kompanyang kinakatawan niya,” dagdag pa niya.

“Sabi ko sa kanya, ano ba ang inyong pakay dito? Nakikiusap sila kung pwedeng bigyan sila ng pagkakataon mabayaran yung arrears. Habang nagpupulong kami noon, meron nang nagbabayad ng portion ng $500,000,” ani Tengco.

Sinabi naman ni Atty. Fernandez sa pagdinig na anim na beses na tumawag sa kanyang tanggapan si Roque at isa doon ay ang paghingi niya ng mga dokumento na kailangan para sa POGO hub na bibigyan ng lisensya.

“Anim lang po, Ma’am. Bale tatlong nasagot — dalawang hindi nasagot, And then noong May 14, 2024 po ininform ko po siya sa decision namin na i-deny ang application ng Lucky South dahil nakakita na kami ng ebidensyang batayan para di na isyuhan ng lisensya at that time.”