Napabilang si Sacramento Kings player Harrison Barnes sa mga manlalaro ng NBA na nagpositibo sa COVID-19.
Ipinaalam ni Barnes ang kanyang kalagayan sa kanyang Twitter account at sinabing asymptomatic siya. Gayunman, bumubuti na aniya ang kanyang kondisyon.
Kasalukuyang nasa quarantine si Barnes at inasahang lalabas siya kapag nabigyan na ng go-signal ng mga health experts. Dahil sa kanyang pagpositibo sa Coronavirus, nagbigay paalaala ang player na kinakailangang ibayong pag-iingat ang dapat na gawin upang hindi dapuan ng nabanggit nakaramdaman.
Optimistiko naman si Barnes na makakaabot siya’t makakasama sa Sacramento sa muling pagbubukas ng liga sa Hulyo 30 sa Orlando, Florida.
“Prior to the team leaving last week, I tested positive for COVID-19. I’ve been primarily asymptomatic and am doing well. I’m quarantined and am abiding by the safety protocol until I’m cleared for action. I hope to join my tem in Orlando when it is safe to do so!Sat safe out there,” pahayag ni Barnes.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo