Gaya ng pagpapahalaga natin sa ating mga ina, ang araw na ito ay itinalaga rin bilang pagpapahalaga sa ama.
Ang ama ang siyang itinuturing nating haligi ng tahanan. Bilang haligi ng tahanan, siya ang tinatakbuhan ng mga anak kapag ang mga ito ay kailangan ng proteksyon, pagkakanlong mula sa panganib o masalimuot na sularinin. Sa ama lumalapit ang mga anak sa tuwing may matindi itong problema o suliranin, at sa ganoo’y nakapupulot sila ng bagong kaaalaman na wala pa sa kanila bilang kulang pa sa karanasan sa larangan ng pamumuhay.
Sa pag-inog ng mundo at pag-unlad ng sibilisasyon, hindi lamang umaakto bilang haligi ng tahanan ang bawat ama. Siya rin ang umaastang ilaw ng tahanan, lalo na kung siya ay nag-iisa na lamang sa pagtaguyod ng kanyang mga anak.
Sa paggunita ng araw ng mga ama, nais kong gunitain ang papel ng aking ama sa aking buhay – naging haligi ng aming tahanan. Nais kong alalahanin ang kanyang masasayang ala-ala noong siya’y narito pa sa mundong ibabaw. Sa gitna ng kanyang kapansanan ay nagagawa pa ring magtrabaho para lang ang kanyang pamilya ay may makain. ‘Yun nga lang, sa gitna ng kanyang kapansanan ay nakuha pa ring mambabae kaya’t hayun nagkalat ang lahi ng mga Pajaron. Hehehe…
Naalala rin natin si Mayor Kit Nieto. Si Mayor Kit ang tumatayong ama ng kanyang tahanan at ama ng aming bayan. Nagpapasalamat tayo sa kanya dahil sa walang kapaguran na ipinagkakaloob mong malasakit at dekalidad na serbisyo para sa aming Cainteños.
Halos hindi na nga mahulugan ng karayom ang Mayor’s office sa dami ng humihingi ng tulong sa kanya na agad naman niyang tinutugunan bilang ama ng aming bayan, lalo ngayong may kinakaharap na matinding pagsubok ang bansa.
Nagpapasalamat din tayo sa lahat ama – maging sila man ay tunay na ama sa dugo, o ‘di kaya’y tumatayong ama sa mga taong kanilang inaalagaan, sa tahanan man o sa trabaho; sa larangan man ng pamumuhay o sa antas ng espiritwal.
Higit sa lahat, nagpapasalamat tayo sa Amang nasa langit, na nagbigay ng buhay sa ating lahat, lumikha sa sanlibutan at patuloy na gumagabay sa atin sa araw-araw. Papuri sa Kanya sa kadikalaan at walang hanggang pagmamahal sa atin!
Sa lahat, Happy Father’s Day!
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE