January 22, 2025

HAPPY CHINESE NEW YEARS TO ALL (Kiong Hee Huat Tsai!)

Ngayong araw ay opisyal nang pumasok ang Chinese Lunar New Year, Pebrero 10.

At gaya po ng inaasahan natin, masasaksihan natin ang iba’t ibang kultura at iba’t ibang paraan kung papaano ito sasalubungin sa iba’t ibang lugar sa ating bansa ganoon din sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kung magarbo at masaya ang pagsalubong natin sa Enero 1, ganoon din sa pagpasok ng Chinese Lunar New Year dahil mayroong iba’t ibang pamahiin at tradisyon ang mga kababayan nating Tsinoy kung papaano ito ipagdiwang.

Sabi nga, ang 2024 ay Year of the Wood Dragon at gaya nang dati, mayroon mga payo alisunod sa Feng Shui kung ano ang mga dapat gawin at huwag gagawin o pag-ingatan sa buong taon.

Kung sa bagay, wala namang mawawala kung susunod sa mga nasabing pamihiin pero huwag din kalilimutan na huwag iasa sa kung ano-anong tradisyon o paniniwala ang inyong buhay.

Pinakapatas pa rin ang prinsipyong, huwag gawin sa kapwa kung ano ang ayaw mong gawin nila sa iyo.

Huwag maging gahaman, huwag angkinin at huwag magnasa kapag hindi sa iyo o para sa iyo ang isang bagay.

Ang pinakaimportante po sa lahat, huwag  kalimutang magpasalamat sa Dakilang Lumikha sa lahat ng mga biyayang natatanggap sa araw-araw.

Kung mayroon man ilang elemento o nilalang na walang ginawa kundi ang manakit at manlamang sa kapwa, ipagpasa-Diyos na po ninyo sila…

Higit po kasi nila kailangan ‘yang dasal dahil buhay pa sila ay nakapila na ang kaluluwa nila kung saan sila nararapat.

‘Yan naman po mga ka-Berdugo ay konting paalala lamang dahil ngayon nga ay panahon ng pag-iisip at paglilimi kung ano ang ginawa natin sa nakaraang taon.

Sa pagpasok ng Year of the Wood Dragon, here’s wishing you a healthy, wealthy and prosperous Chinese New Year… Kiong Hee Huat Tsai!