Binabati natin ng maligayang ika-42 taong kaarawan si Sen. Manny Pacquiao.
Disyembre17, 1978 kumita ng unang liwanag ang binasagang Pambansang Kamao. Bukod dito, tinagurian din siyang ‘Fighting Pride of the Philippines’. Gayundin ng eight division world boxing champion.
Siyempre, mas kilala siya ng karamihan sa bansag na ‘Pacman’. Sa paggunita sa kanyang kaarawan, tiyak na maambunan ng biyaya ang mga miron.
Tradisyon na kasi ni Pacquiao ang mamudmod ng pera. Basta pumila lang ng maayos. Tiyak na mabibigyan ng tig P1,000. Di ba, siya ang may birthday, siya namimigay ng regalo.
Ewan lang natin kung may pa-raffle si Pacman. Kung enggrande ba ang handaan. Malamang idaan sa online ang party.
Limitado lang bisita dahil may sinusunod na protocol. Sa gayun ay iwas hawaan sa virus.
Ang tanong natin, ihahayag ba niya na maglalaban na sila ni Terrence Crawford? Hinahamon kasi siya nito.Kung mangyayari, sa susunod na taon na ang laban.Masasabing yaman ng lahing Pilipino si Pacquiao.
Iniluklok nito ang bansa sa larangan ng sports. Magbibilang siguro ng 50 taon mahiti pa para mahigitan ang record niya sa boxing.
Hangad natin ang mabuting kalusugan, tagumpay at mahabang buhay para sa kanya.
Muli, maligayang kaarawan Sen. Pacquiao. Viva La Raza!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino