Labing isang taon na po kami sa larangan ng pamamahayag. Sa loob ng mga taong yaon ay marami rin kaming naranasang mga balakid at pagsubok. Mahirap ding makipagsabayan sa malalaking pahayagan sa buong bansa. Subalit buo ang loob ng patnugutan na ipagpatuloy ang aming nasimulan, Ipagpatuloy ang pagbibigay ng mga makabuluhang mga balita at opinyon na kumiliti sa isipan ng aming mga tagatangkilik.
Umusbong ang pahayagang ito noong 2011 kasabay ng pagdiriwang ng aming bossing na si Don Ramon Ignacio. Dahil sa pandemya ay nagkaroon ng “online edition” sa internet upang lalong magkaroon ng madaliang pagbasa sa mga balita at opinyon. Mahigit ng 800,000 ang bumisita sa aming “online edition” na matatagpuan sa https://agilangbayan.com.
Bilang isang pahayagang pang-komunidad, tatlong halalan na ang kanyang natunghayan. Sa darating na Mayo 13, ito na ang ika-apat na halalang pang-nasyonal at lokal na makibahagi ang pahayagan. Marami rin kaming mga kritiko. Marami ring tumutuligsa sa amin lalo na sa larangan ng pulitika na hindi umaayon sa kasalukuyang pamunuan ng administrasyon. Naging kritiko ito subalit may mga balita at opinyon din kaming sinusulat na nagbubunyi sa mga nagawa ng administrasyon. Ang mga ito ay hindi pinapansin kundi lang iyong mga nasusulat na kung minsan ay may pagbatikos sa mga polisya at patakaran ng mga namumuno sa bansa. Sa mga balita ay nakatuon kami sa mga pangyayari sa buong bansa lalo na yong mga tungkol sa mga pagpapaunlad sa mga siyudad at bayan.
Papasok na kami sa ika-11 taon sa pamamahayag. Marami pang mga pagsubok ang aming susuungin. Ang mga pagsubok na iyan ang magiging gabay namin upang lalong paibayuhin ang pagbibigay ng mga makabuluhang balita at opinyon. Nais din naming magpasalamat sa aming mga sponsors at mga mambabasa na patuloy na tumatangkilik sa Agila ng Bayan. Ang patnugutan po ng Agila ng Bayan ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng aming mga tagatangkilik at sana ay patuloy ninyo kaming samahan sa aming paglalakbay sa larangan ng pamamahayag. Asahan ninyo na kami ay magsusulong ng mga makabagong uri ng pamamahayag na angkop sa aming “slogan” na “ TAPAT AT WALANG KINIKILINGAN”.
Happy Birthday Don Ramon Ignacio at Happy Anniversary sa Agila ng Bayan!
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna