KAHIT gaano kasidhi ang pagtanggi, nakumbinse rin sa wakas si coach Tim Cone na giyahan ang Gilas Pilipinas na sasabak sa papalappit na Asian Games 2023 sa Hangzhou, China.
Ito ang inanunsiyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kung saan sinabi ni SBP president Al Panlilio na napapayag din sa wakas ang PBA’s winningest coach na si Cone na giyahan ang pambansang koponan para sa quadrennial event na Asiad.
Nauna dito ay ayaw tanggapin ng coach ng popular na Ginebra San Miguel ang responsibilidad na binakante ng kanyang kaibigang si Chot Reyes na na-pressure magbitiw bilang head coach ng Gilas Pilipinas dahilan sa clamor ng Filipino fans na nabigo sa kampanya ng national team sa world cup.
Walang iba kundi ang bigboss ng San Miguel Corporation na si Ramon S. Ang ang kumumbinse kay coach Cone na tanggapin ang alok na gabayan ang pambansang koponang Gilas Pilipinas hangga’t may oras.
“I feel everybody has my back. so there’s a chance that we could succeed despite the fact that we’re two weeks away,” sambit ni Cone.
Ang Asian Games ay aarangkada sa Hangzhou sa Setyembre 23. Makatutuwang ni Cone sina Richard del Rosario at LA Tenorio habang ang team manager ay si Alfrancis Chua at assistant manager si PBA Commissioner Willie Marcial.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW