January 27, 2025

HAMON SA DA CHIEF: RECLAMATION PROJECT NG KANYANG PAMILYA SA CAVITE, IPATIGIL!

Kasabay ng pagdiriwang ng World Fisheries Day ngayong araw, nagsagawa ng kilos protesta ang mga grupo ng mga mangingisda ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), kasama ang iba pang progresibong grupo at advocates, sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.

Panawagan ng grupo kay DA Secretary Francisco Tiu-Laurel na ipatigil ang reclamation project sa Bacoor City, Cavite na pinapatakbo ng kanyang pamilya.

Mahit sa 700 fishing families ang nawalan ng hanap-buhay sa loob ng dalawang taon dahil sa nasabing reclamation at patuloy na banta sa higit 1,000 coastal families.

Ang World Fisheries Day ay unang ipinagdiwang noong Nobyembre 21, nang buuin ang global fisherfolk organization na World Forum of Fisher Peoples (WFFP) sa New Delhi, India, kung saan miyembro ang PAMALAKAYA.