Binasag na rin ni Vice President Sara Duterte ang pananahimik patungkol sa mga alegasyon na ibinabato ng mga kritiko sa kanya.
Ilan sa mabibigat na akusasyon laban sa Pangalawang Pangulo ng Bansa ay ang umano ay may kinalaman siya sa Oplan Tokhang, sa Davao Death Squad, at sa mga insidente ng pagpatay o extrajudicial killings sa Davao.
Ang mga nasabing alegasyon ay ikinagulat ng Bise Presidente at aniya ‘bago ang script na ito’.
Niliwanag ni VP Sara na sa mga taon na nagsilbi siya bilang Vice Mayor at Mayor ng Davao City, ni minsan ay hindi naugnay ang kanyang pangalan sa mga pnabanggit na isyu.
Nagulat aniya siya at bigla na lang nagkaroon ng testigo laban sa kanya nang mahalal siya na Vice President.
At ngayon nga aniya aykabilang na nga siya sa mga akusado sa International Criminal Court.
Maliban sa tiyempo, malinaw aniya na sadyang pinilit lang na maidugtong ang pangalan niya sa mga nasabing isyu para siya maging akusado sa ICC.
Binigyang-diin ng Bise Presidente na ang pagpupumilit ng ICC na pakialaman ang hudikatura ng Pilipinas ay panghihimasok sa ating soberanya, paglapastangan sa dignidad ng mga Pilipino at sa karangalan ng Pilipinas.
Sa huli, hinamon ni VP Sara ang lahat nang nagdadawit sa kanya na sampahan siya ng kaso sa korte dito sa Pilipinas.
“Wala na itong debate, sa testigo at mga tao na nakapalikod sa kanya mag-file kayo ng kasong murder laban sa akin dito sa Pilipinas,” hamon ni VP Sara.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA