Binanatan ng senatorial aspirant at suspendido na abogado na si Larry Gadon ang hamon ni Commission on Elections (COMELEC) commissioner Rowena Guanzon sa kanyang kasamahan na si Aimee Ferolino.
Sa kanyang tweet, binanatan ni Guanzon si Ferolino at hinamon nito na mag-resign sila ng sabay dahil sa kinukwestiyon na daw ng publiko ang integridad ng COMELEC.
“I challenge Comm Ferrolino, let us resign together before feb 3 since the integrity of the @COMELEC is now in question.” ani Guanzon.
Ayon kay Gadon ang ‘nakakatuwa’ ang nasabing hamon dahil sa paretiro na si Guanzon sa February 2 habang si Ferolino ay sa 2026 pa matatapos ang termino.
“Hindi b*b* si commissioner Ferolino,” ani Gadon. “Nakakatawa naman itong hamon ni Rowena Guanzon na sabay silang mag resign, nakakatuwa naman yan.”
“Si commissioner Ferolino ay hanggang 2026 pa ang term at ito namang si Guanzon ay two days nalang, February 2 e retired na. E bakit naman siya mag reresign kung hanggang 2026 pa siya. pambihira oh,” dagdag niya pa.
Naniniwala si Gadon na hindi papatulan ni Ferolino ang “non sense” na hamon ni Guanzon dahil hindi naman daw political appointee ang nasabing commissioner.
“Naging career employee yan sa COMELEC, naging clerk at kung ano anong inakyatan niyang promotion,” sabi ni Gadon.
Matatandaan na sinabi ni Guanzon na “convicted” si presidential aspirant at dating senador Bongbong Marcos kaya’t karapat-dapat lamang na ma disqualify ito sa pagtakbo sa pagkapangulo.
“He was convicted. Convicted! Marcos Jr. was convicted, he’s a convict! How many times do I have to say he’s a convict? He was convicted twice in the regional trial court and in the Court of Appeals,” ani Guanzon.
“Nagnakaw nga ang tao ng 10 kilong mangga, kinulong nila. Ito bale pagnanakaw din ito ng buwis sa gobyerno, apat na taon, hindi nagbayad ng multa, hindi ito moral turpitude? Ay pambihira naman,” dagdag niya pa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA