Hinamon ni Duterte ang International Criminal Court (ICC) na pumunta rito sa Pilipinas simula bukas, Nobyembre 14, 2024 para imbestigahan siya patungkol sa crimes against humanity sa kampanya kontra droga.
“I am asking the ICC to hurry up and if possible, if they can come here and start the investigation tomorrow,” ani Duterte.
“This issue has been left hanging for so many years. Baka mamatay na ako, hindi na nila ako ma-imbestigahan. [That’s] why I am asking the ICC, through you, na magpunta na sila rito,” sambit pa ng dating pangulo.
Dagdag pa ni Duterte, haharapin niya kung ano ang magiging kahihinatnan ng imbestigasyon ng ICC.
Noong Agosto, binanatan ni Duterte ang ICC dahil sa pagbusisi nito sa umano’y Extra Judicial Killings sa kanyang war on drugs.
Punto ni Duterte, may mga patayan ding nangyayari sa ibang bansa pero hindi naman inaksyunan ng ICC.
Una nang inihayag ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na hindi isisilbi ng pamahalaan ang arrest warrant mula sa ICC laban kay Duterte.
Sa panig ng ICC, patuloy ang kanilang monitoring sa mga kaganapan patungkol sa drug war. Ang kanilang imbestigasyon ay mula sa malawak na sources kabilang ang communications, information mula States, international partners at civil society, open-source information, at direct collection of evidence, tulad ng panayam sa mga testigo.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA